top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 armado dedbol sa checkpoint

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 22, 2023


NORTH COTABATO — Dalawang armadong lalaki ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad sa police checkpoint kamakalawa sa national highway ng bayan ng Kabacan sa lalawigang ito.


Sa ngayion ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek.


Nabatid na napadaan sa checkpoint ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang suspek, pero imbes huminto ay pinagbabaril ng mga ito ang mga awtoridad.


Dahil dito, agad gumanti ang mga operatiba kaya napatay ang dalawang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Nakarekober ang mga awtoridad ng mga baril na dala ng mga suspek sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page