top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

2 arestado sa 'hot logs'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 21, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 21, 2023



PALAWAN—Dalawang illegal logger ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng mga "hot logs" kamakalawa sa Bgy. Pangobilian, Brooke's Point sa lalawigang ito.


Nakilala ang mga suspek na sina Remil Zalasa at Rollano Licuman, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may dalawang lalaking namumutol ng punong kahoy sa kabundukan ng nasabing bayan kaya't agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page