top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2-anyos nalunod sa balon, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 6, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang 2-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang malunod sa balon, kamakalawa sa Bgy. Matab-ang, Talisay City sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ang nalunod na batang lalaki.


Ayon sa ulat, ipinasyal ng kanyang ina ang bata sa bahay ng kanyang lola, at naglaro sa bakuran ang biktima hanggang nawala ito sa paningin ng kanyang mga kamag-anak.


Sa paghahanap ng kanyang mga kamag-anak, natagpuan ang biktima na nakalutang sa tubig-balon.


Agad dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page