Search
  • BULGAR

2 Abu Sayyaf, dedbol sa shootout

@Balitang Probinsiya | November 20, 2020



ZAMBOANGA SIBUGAY—Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Sisay, Tungawan.


Kinilala ang mga suspek na sina Jomar Aukasa at alyas Butsoy, kapwa miyembro ng ASG na nag-o-operate sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad sina Aukasa at “Butsoy” sa nasabing barangay at darakpin sana, pero biglang pinagbabaril ng mga terorista ang mga operatiba.


Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.