1M litrong langis, nakolekta sa lumubog na motor tanker sa Bataan
- BULGAR
- Sep 1, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | September 1, 2024

Umabot na sa kabuuang 1,032,557.58 litro ng maduming langis ang nakolekta sa lumubog na motor tanker na Terranova sa karagatan ng Bataan mula nang magsimula ang mga operasyon ng pagsipsip nu'ng Agosto 19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo.
Ayon sa pinakabagong update ng PCG, ang Harbor Star ay nakasipsip ng karagdagang 129,292 litro ng langis nu'ng Sabado, Agosto 31. Ang salvor ay nag-deploy ng karagdagang mga bomba, na nagpakitang ang bilis ng pagdaloy ng maduming langis ay umabot sa 18,575 litro bawat oras.
Sinabi rin ng Coast Guard nu'ng parehas na araw na kanilang pinadali ang paglilipat ng nasipsip na langis mula sa MTKR Terranova patungo sa isa pang barko, na ililipat din sa isang dockyard sa Bataan.
Samantala, binantayan ng Oil Spill Response Team ang paglilipat ng maduming langis sa Orion Dockyard at walang naitalang pagtagas sa panahon ng operasyon.
Comentários