top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

19-anyos sinaksak ng senglot

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 27, 2023



ILOILO—Isang 19-anyos na binata ang sugatan nang saksakin ng isang lasing kamakalawa sa Bgy. Dela Paz, Banate sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan na si Jerome Gomez, samantalang ang suspek ay si Edwin Arante, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nang malasing ay naglakad sa kalsada si Arante at nang makasalubong si Gomez ay agad niya itong sinaksak sa hindi malamang dahilan.


Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek.


Ginagamot na sa ospital si Gomez, samantalang pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek para sampahan ng kasong frustrated murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page