17 NPA supporters, sumurender
@Balitang Probinsiya | April 11, 2023
PALAWAN—Labing-pitong supporters ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. New Canipo, San Vicente sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA supporters sa lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng mga NPA supporters ang mga dala nilang subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng mga sumukong taga-suporta ng komunista na nais na umano nilang magbagong-buhay kaya sumurender sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA supporters.



Comments