top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

17-anyos utas sa motor

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 3, 2023


QUEZON—Isang 17-anyos na binatilyong rider ang namatay at tatlo katao pa ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Lual, Infanta sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay si John Mandani, samantalang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang angkas nito sa motorsiklo, at ang isa pang nasugatan sa insidente ay si Celso Francia, 23, nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Mandani, habang angkas ang dalawang kaibigan nito at ang motorsiklong minamaneho ni Francia kaya nagkabanggaan.


Napag-alaman na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at nang dalhin sila ng mga saksi sa ospital ay idineklarang dead-on-arrival si Mandani.


Patuloy ang imbestigasyon para mabatid kung sino ang may pananagutan sa naganap na insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page