top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

17-anyos, todas sa kidlat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 3, 2023


AKLAN—Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay nang tamaan ng kidlat kamakalawa habang nangingisda sa karagatang sakop ng Bgy. Libertad, Nabas sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Rey Almoquera, residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang lulan ng bangka si Almoquera at nangingisda kasama ang anim pang mangingisda ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.


Nabatid na nagtamo ng 3rd degree burn sa katawan at nawalan ng ulirat ang biktima.


Dinala ng mga kasamahan niyang mangingisda ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page