Search
  • BULGAR

16 barangay, mawawalan ng tubig simula Sept.4-9

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 5, 2020



Inanunsiyo ng Maynilad Water Services Inc. na makararanas ng water service interruption ang 15 barangay sa Quezon City at isa sa Valenzuela simula September 4 hanggang 9.


Post ng Maynilad sa kanilang Facebook page, “Kahapon, 3:40 ng hapon ay nakaranas ng

EMERGENCY water supply interruption ang ilang customer namin sa Quezon City matapos lumubog sa tubig ang apat na pumps ng aming North C Annex Pumping Station dahil sa tumagas na discharge line.


“Kasalukuyan nang nagsasagawa ng de-watering activity sa nasabing pasilidad.


Kinakailangang matuyo ang mga pump para maging operational muli. Ang nasabing mga aktibidad, kabilang na ang reinstallation ng apat na pumps, ay aabutin ng LIMANG ARAW.


“Dahil dito, kinakailangan naming magpatupad ng daily water service interruption simula bukas, Sept. 4, 2020, hanggang Sept. 9, 2020, sa ilang bahagi ng Quezon City at Valenzuela City upang masiguro na ang lahat ng apektadong customer ay magkakaroon ng tubig nang ilang oras kada araw.”


Payo pa ng Maynilad, “Pinapayuhan ang lahat ng apektadong customer na mag-ipon ng tubig sa mga oras na available ang supply sa inyong lugar. Naka-standby ang aming water tankers para mag-deliver ng tubig kung kinakailangan.


“Kapag bumalik na ang supply ng tubig, padaluyin muna nang panandalian hanggang sa

luminaw ito. Humihingi kami ng paumanhin sa abalang naidulot ng nasabing insidente.


Ginagawa namin ang lahat para mapabilis ang repair works sa aming pasilidad.


Maraming salamat sa inyong pang-unawa.”


Ang mga apektadong barangay sa Quezon City na makararanas ng water service interruptions ay ang mga sumusunod: Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Holy Spirit, Payatas, Bagbag, Gulod, Nagkaisang Nayon, North Fairview, San Bartolome, Sauyo, Sta. Lucia, Sta. Monica, at Talipapa. Sa Valenzuela naman ay ang Barangay Ugong.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.