top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

16-anyos na dalagita, binugbog ng dyowa

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 08, 2023


AKLAN -- Isang 16-anyos na dalagita ang sugatan nang bugbugin ng kanyang nobyong 17-anyos kamakalawa sa bayan ng Makato sa lalawigang ito.


Dahil kapwa menor-de-edad, hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima at ang suspek.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkasintahan na humantong para bugbugin ng suspek ang biktima.


Nabatid na natigil lang ang pambubugbog nang umawat ang mga residente sa nasabing lugar.


Sa ngayon, ginagamot pa sa Aklan Provincial Hospital ang dalagita, samantalang inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong serious physical injury sa binatilyong suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page