top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

15 Durugista tiklo sa pot session

BULGAR
Nov 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 15, 2022


PAMPANGA—Labinglimang adik ang inaresto ng mga awtoridad nang mahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session kamakalawa sa Bgy. Dau, Mabalacat City.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, may nag-tip na nagsasagawa ng pot session ang mga adik, kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang mga suspek.


Nakakumpiska ang pulisya ng 13 gramo ng shabu at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page