top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

15-anyos na gf, nireyp, kelot arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 12, 2023


ILOILO -- Isang 23-anyos na binata na gumahasa sa kanyang nobya ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sto. Domingo, Barotac Vievo sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Nabatid na nadakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa panggagahasa nito sa kanyang nobyang 15-anyos na dalagita.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba sa loob ng kanilang bahay.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page