15-anyos hinoldap
@Balitang Probinsiya | March 8, 2023
CAPIZ—Isang 15-anyos na dalagita ang hinoldap ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa baybaying dagat sa Bgy. Baybay, Roxas City sa lalawigang ito.
Dahil menor-de-edad, hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Ayon sa biktima, habang naglalakad siya sa baybaying dagat ay nilapitan siya ng suspek na armado ng patalim at pagkaraan ay nagpahayag ng holdap.
Matapos tangayin ang cellphone ng biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang holdaper.



Comments