14 yrs. old na naka-bike, dedbol sa bangin
@Balitang Probinsiya | Pebrero 28, 2023
ABRA — Isang binatilyong nagbibisikleta ang namatay kamakalawa nang aksidenteng mahulog sa bangin sa bayan ng Bangued sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Kevin Abanilla, 14, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagbibisikleta si Abanilla kaya aksidente itong nahulog sa bangin sa nasabing lugar.
Nabatid na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments