top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

14 Pasahero, nailigtas sa tumagilid na bangka

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2024
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 1, 2024


QUEZON -- Labing-apat na pasahero ang nasagip ng mga rescue team matapos na tumagilid ang kinalululanan nilang bangka, kamakalawa sa dagat na sakop ng Binumbunan Island, Burdeos sa lalawigang ito.

 

Dahil nailigtas lahat at wala namang nasugatan o nadisgrasya ay hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang 14 pasahero ng bangka.

 

Ayon sa ulat, ang malaking alon ang naging sanhi, kaya tumagilid ang bangka at nahulog sa dagat ang mga pasahero.

 

Napag-alaman na ang crew ng bangka ay mabilis na nakatawag sa cellphone sa munisipyo at dahil dito ay mabilis na nakapagresponde ang rescue team ng lokal na pamahalaan.

 

Nakatakdang sampahan ng kaso ang may-ari at crew ng bangka dahil kahit malakas ang alon ay bumiyahe pa rin ito sa dagat na muntik nang ikapahamak ng mga pasahero.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page