top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

14 NPA members, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 8, 2024

BUKIDNON -- Labing-apat na miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Malaybalay City sa lalawigang ito.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang 14 sumukong komunista na pawang  nag-o-operate sa lalawigan.


Napag-alaman na isinurender din ng mga komunista ang mga dala nilang armas, bala at mga subersibong dokumento.


Ayon sa mga miyembro ng NPA ay nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumurender na komunista para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page