14 armas, isinurender

@Balitang Probinsiya | December 26, 2020
MAGUINDANAO—Labing-apat na matataas na kalibre ng baril ang isinuko ng mga sibilyan sa tropa ng pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Pagalungan.
Ang mga armas na isinuko ng mga residente ay pawang loose firearms o walang kaukulang mga dokumento.
Isinuko ng mga residente sa 6th Infantry Division ng Philippine Army (PA) ang mga armas, kasama ang mga bala bilang pagsunod sa panawagan ng pamahalaan na i-surrender sa mga awtoridad ang mga baril na walang kaukulang dokumento.
Inihayag ng mga awtoridad na hindi na nila kakasuhan ang mga residenteng nagsuko ng armas dahil kusa nilang isinurender ang kanilang mga baril.
Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na isuko na rin ang kanilang mga itinatagong loose firearms at mga bala upang hindi masampahan ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments