13 sugarol, nasakote sa lamay

@Balitang Probinsiya | November 26, 2020
ILOCOS NORTE—Labingtatlong sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagla- “lucky 9” sa lamay kamakalawa sa Bgy. Paltit, Badoc.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang mga naarestong suspek na pawang residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsusugal sa lamay sa nasabing lugar kaya agad nagsagawa ng pagsalakay at inaresto ang mga suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.



Comments