top of page
Gary V. - IG.jpg

13-anyos dedbol sa puno ng niyog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 19, 2024

ZAMBOANGA DEL SUR -- Isang 13-anyos na batang lalaki ang namatay nang mabagsakan ng puno ng niyog kamakalawa sa Brgy. Romarate, Aurora sa lalawigang ito.

 

Ang biktima ay nakilalang si Dexcer Quindao, residente ng nasabing bayan.

 

Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang bisikleta si Quindao ay biglang bumagsak ang isang puno ng niyog at tumama sa kanya. 

 

Nabatid na nagtamo si Quindao ng malaking pinsala sa ulo at katawan.

 

Agad dinala ng mga residente si Quindao sa ospital pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page