top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

12 timbog sa tong-its

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 14, 2023


SORSOGON—Nasa 12 sugarol ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng tong-its kamakalawa sa Bgy. Barbara, Bulusan sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang mga sugarol.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa tatlong sugarol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page