Search
  • BULGAR

12 sabungero, timbog sa tupada

@Balitang Probinsiya | February 20, 2021



NUEVA ECIJA—Labingdalawang sabungero ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Malayantoc, Sto. Domingo.


Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan pa sila ng pulisya.

Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may kalalakihan nagtutupada sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya at dinakip ang mga suspek.



Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.