12 panabong na manok ninakaw
@Balitang Probinsiya | Pebrero 17, 2023
ILOILO – Nasa 12 panabong na manok ang ninakaw kamakalawa sa isang farm sa bayan ng Gumbal sa lalawigang ito.
Ang may-ari ng mga panabong na manok ay isang negosyanteng hindi na pinangalanan ng pulisya.
Ayon sa ulat, nang dumating ang caretaker ng farm ay dito natuklasan na nawawala na ang mga panabong na manok.
Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad ay nakilala na ng pulisya ang mga suspek.
Inihahanda na ang kasong quaified theft laban sa mga magnanakaw ng manok.



Comments