top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

12 komunistang NPA, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 02, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Labindalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Bato, Sagay City sa lalawigang ito.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang 12 sumurender na komunista na pawang miyembro ng NPA-Northern Negros Front na nag-o-operate sa lalawigan.


Napag-alaman na isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Ayon sa mga sumukong komunista, nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya nagbalik-loob sila sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumurender na NPA para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagsuko sa gobyerno.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page