12 bahay, natupok
@Balitang Probinsiya | April 16, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Nasa 12 bahay ang natupok, kamakalawa sa Bgy. Zone 1, Murcia sa lalawigang ito.
Ang sunog ay nagmula sa bahay ng isang Nestor Diaz, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na nag-umpisa ang sunog sa bahay ni Diaz at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang 11 pang kabahayan.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa insidente.
Inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala.



Comments