top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

12-anyos na babae, nalunod sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 30, 2023



NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 12-taong gulang na batang babae ang namatay nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. Zone 15, Talisay City sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ang nalunod na batang babae.


Nabatid na naligo ang bata, kasama ang kanyang mga kaibigan sa ilog ng naturang lugar, at nang magawi sa malalim na bahagi ay dito nalunod ang biktima.


Mabilis na sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.


Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team ay saka lang natagpuan sa ilalim ng tubig ang bata, subalit patay na ito nang maiahon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page