12-anyos, inabuso ng vendor
@Balitang Probinsiya | April 21, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang vendor na nangmolestiya sa isang 12-anyos na babae ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Bata, Bacolod City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek matapos na ireklamo ito ng biktimang itinago sa pangalang "Nancy", residente sa nasabing barangay.
Sinabi ng biktima na ang pangmomolestiya sa kanya ng suspek ay naganap sa loob ng kanilang bahay habang wala ang kanyang mga magulang sa kanilang tahanan.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.



Comments