Search
  • BULGAR

11 teroristang BIFF, sumurender

@Balitang Probinsiya | February 8, 2021



MAGUINDANAO—Labing-isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Buayan, Datu Piang.


Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong BIFF members para sa kanilang seguridad.


Nabatid na isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang armas at pampasabog.


Nagpasya umanong magbalik-loob sa gobyerno ang 11 terorista dahil nais na umano nilang magbagong-buhay.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong BIFF para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagsuko sa pamahalaan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.