11 Dawlah Islamiya terrorist group, sumuko
@Balitang Probinsiya | October 11, 2023
SULTAN KUDARAT -- Labing-isang miyembro ng teroristang Dawlah Islamiya (DI) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Kalandagan, Tacurong City sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang 11 sumukong terorista na pawang nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alaman na isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang armas, bala at pambasabog.
Ayon sa mga sumurender na Dawlah Islamiya ay nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga terorista para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.



Comments