100 NPA supporters, sumurender
@Balitang Probinsiya | June 09, 2023
Iloilo -- Isangdaang supporters ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Calinog sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA supporters sa lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng mga NPA supporters ang mga dala nilang subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng mga sumukong taga-suporta ng komunista na hindi na nila nagugustuhan ang mga ginagawa ng rebeldeng grupo kaya nagbalik-loob na sila sa pamahalaan.
Isinasailalim pa ngayon sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA supporters.



Comments