top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

10 NPA supporters, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 18, 2023


NUEVA ECIJA -- Sampung supporters ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Brgy. Nagpandayan, Guimba sa lalawigang ito.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA supporters sa lalawigan.


Nabatid na isinurender din ng mga NPA supporter ang mga dala nilang subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Sinabi ng mga naturang taga-suporta ng komunista na hindi na nila nagugustuhan ang mga ginagawa ng mga komunista kaya nagbalik-loob na sila sa pamahalaan.


Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga NPA supporters.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page