top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

10 mangingisda, tiklo sa illegal fishing

Writer: BULGAR
BULGAR
May 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 25, 2023


PALAWAN—Sampung mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Manamoc, Cuyo sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ang mga naarestong suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil sa paggamit ng compressor sa panghuhuli ng isda sa nasabing karagatan.


Hindi nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.


Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na ng kasong paglabag sa illegal fishing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page