10-anyos, dedbol sa ilog
- BULGAR
- May 14, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 14, 2023
ILOILO—Isang 10-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. Simsiman, Calinog sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima, hindi na pinangalanan ang nalunod na batang lalaki.
Nabatid na naligo ang bata, kasama ang kanyang mga kaibigan sa ilog, at nang magawi sa malalim na bahagi ng tubig ay dito nalunod ang biktima.
Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.
Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team ay saka lang natagpuan sa ilalim ng tubig ang bata, pero patay na ito nang maiahon sa ilog.



Comments