Search
  • BULGAR

1 tulak, 4 adik huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | October 14, 2020



BATANGAS—Isang drug pusher at apat na drug addicts ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Lumbang, Lipa City.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Engilbert Banares, Ernie de Villa, Jeffrey Reyes, Eric Masongsong at Jomar Andales, pawang nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, naaresto ng pulisya sa buy-bust operation ang drug pusher na si Banares at sa loob ng bahay nito ay nahuli sa akto ang apat na drug addict na sina De Villa, Reyes, Masongsong at Andales na sumisinghot ng shabu.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng pakete ng shabu, markadong pera, baril at mga drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.