top of page
Search
  • BULGAR

1 todas, 3 sugatan sa ambush

@Balitang Probinsiya | February 26, 2021



MAGUINDANAO—Isang lalaki ang namatay at tatlo pa ang sugatan sa isinagawang pananambang at pamamaril ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Lower Capiton, Datu Odin Sinsuat.


Ang nasawi ay si Usop Radjack, samantalang ang mga sugatan na ginagamot na sa ospital ay sina Pagal Abdullah, Mustapa Abdullah at Tutin Saban, pawang nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, lulan ng “payong-payong” motorcycle ang mga biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad silang pinagbabaril.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pananambang sa mga biktima.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page