1 sabungero, timbog sa tupada
@Balitang Probinsiya | November 24, 2021
AKLAN—Inaresto ang isang sabungero sa isinagawang pagsalakay ng pulisya kamakalawa sa tupadahan sa Boracay Island.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihan na nagtutupada sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang suspek, pero nakatakas ang mga kasamahan niyang sabungero.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng tupada.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.



Comments