Search
  • BULGAR

1 sa 3 hosts ng show na pumalit sa Kris TV…

MELAI, BINATI NG HAPPY B-DAY ANG UTOL NI KRIS, DINEDMA LANG

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 19, 2020



Nagparamdam na uli si Kris Aquino sa kanyang social media accounts kahapon (August 18).


Pagkatapos mabalitang hindi na ulit tuloy ang pagpapalabas ng kauna-unahan sanang programa niya sa TV5 (na pilot airing dapat last August 15), walang lumabas na kahit ano'ng post sa kanyang mga socmed accounts ang tinaguriang Queen of All Media.


But last Tuesday, muling nag-post sa kanyang Instagram si Kris para batiin ang kanyang ate na si Ballsy Aquino-Cruz, ang panganay na anak nina Sen. Ninoy Aquino at Pres. Cory Aquino, sa kanyang kaarawan.


Say ng IG follower niya, "Madaaamm sa wakas nagparamdam ka na. Miss kita. Kumusta ka na? (Feeling close) Para happy ako nakita kitang nag-post."


Ipinost ni Kris ang dalawang old pictures. Una, pikytur niya nu'ng bata pa kasama ang kanyang Ate Ballsy, sisters Viel and Pinky at ang mga yumao nilang mga magulang. At 'yung pangalawa naman, batang piktyur ng Ate Ballsy niya.


Caption ni Kris sa kanyang IG post, "This pandemic has taught me to express my LOVE while I still can."


Sinundan ng pagre-reminisce niya kung paano siya inalagaan ng kanyang Ate Ballsy nu'ng bata pa siya.


"I hadn’t even started “big school” when she was already working, so I benefited a lot because every payday there was a special treat for me. But looking back now, it was really the gift of her time, all those Saturdays she generously gave me while growing up and our mom was already given the “privilege” of overnight prison visits with our dad," kuwento ni Kris.


Dugtong pa niya, "Up to now, she’s the person I can always open my heart to and never feel judged... She’s the one who never tires of praying for me, looking out for my sons & me, and most of all listening to me, guiding me, and giving me just so much unconditional & unquestioning love."


Napakapositibo raw ng pagtingin ng kanyang Ate Ballsy sa lahat ng bagay at bawat tao.


"And apart from my 2 sons, she is the ONE I want most to feel proud- because whatever good has managed to manifest in me, it’s because I have been blessed so much more than I could ever deserve for having been given my ATE."


Sa huli, ipinaliwanag ni Kris kung bakit si Ballsy lang ang tinatawag niyang "ate" gayung mas matanda rin sa kanya ang dalawa pa niyang kapatid na babae na simply "Viel" and "Pinky" lang ang tawag niya.


"Bago kayo magtanong, even though ilang beses ko nang na-explain, in our family, 'yung oldest lang ang tinatawag na ATE- everyone else, 1st name basis only."


Ang kanyang Ate Ballsy daw ang kanyang strength, takbuhan at cheerleader, sabi ni Kris when a netizen praised her sister for being the "mom" in the family in a situation na kailangang may mahingahan ng sama ng loob at kapag wala na rin ang parehong magulang.


Isa sa mga celebrity followers ni Kris sa IG ang bumati rin para sa kaarawan ni Ballsy, walang iba kundi ang mag-asawang Melai at Jason.


Pansin lang namin, hindi nag-reply si Kris sa comment ni Melai. Wala naman sigurong something between Kris and Melai, kahit na isa ang huli sa tatlong female hosts ng Magandang Buhay na pumalit sa dating morning show ni Kris sa ABS-CBN, ang Kris TV.


Ang speaking of talk show, mukhang naka-move on na si Kris sa naantalang show na pasaporte niya sana sa paglipat sa kanyang "bagong tahanan."


Knowing Kris, she always finds the way to ease her broken heart.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.