top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

1 sa 2 killer ng negosyante, nasakote

BULGAR
Dec 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 9, 2022


PALAWAN—Isa sa dalawang lalaking pumatay sa isang negosyante ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Milagrosa, Puerto Princesa City.


Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek na si Kenneth Lagan, 35-anyos at nakatira sa naturang lungsod.


Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Lagan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong pagpatay kay Paterno Betita noong Hunyo 30, 2022 sa nasabing lalawigan.


Kusa namang sumama si Lagan sa pulisya nang dakpin siya sa nabanggit na barangay.


Patuloy pa rin pinaghahanap ng pulisya ang kasamahan ni Lagan na bumaril at pumatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page