1 patay sa meningococcemia, ER ng ospital sa Tondo, isinara

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 22, 2021

Pansamantalang isinara ang emergency room (ER) ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Manila ngayong Lunes hanggang Martes nang umaga matapos pumanaw ang isang pasyenteng hinihinalang mayroong meningococcemia.
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), isasara ang ER upang makapagsagawa ng disinfection.
Pahayag pa ng Manila PIO, "This is to make way for the ER's terminal cleaning and disinfection due to a suspected meningococcemia case who died earlier in the said area."
Samantala, ang meningococcemia ay sanhi ng bacteria na Neisseria meningitidis at ang mga sintomas nito ay lagnat, ubo, sore throat, rashes, bruises, stiff neck, convulsions, at pagsusuka.
Naipapasa rin ito sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo.





Comments