1 miyembro ng NPA, patay sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | November 15, 2021
QUEZON--Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Gitnang Barrio, Gumaca.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang napatay na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang tropa ng Philippine Army (PA) nang pagbabarilin sila ng mga NPA dahilan kaya gumanti ng putok ang nga awtoridad kaya napatay ang isang komunista.
Nang makitang napatay ng tropa ng pamahalaan ang isang komunista, ay mabilis na tumakas ang iba pang NPA.
Nabatid na patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na komunista.



Comments