1 komunista nasakote
BULGAR
Nov 5, 2022
1 min read
@Balitang Probinsiya | November 5, 2022
SORSOGON—Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Sangat, Gubat.
Ang suspek ay kinilalang si Charlie Leling, alyas Ka Gudong, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.
Napag-alamang inaresto ng mga operatiba ang suspek nang makita itong gumagala.
Samantala, patuloy pa ang isinasagawang pagtatanong ng mga awtoridad kay Leling.



Comments