Search
  • BULGAR

1 kilong shabu, nakumpiska sa bigtime tulak

@Balitang Probinsiya | November 24, 2020



LANAO DEL SUR—Isang kilo ng shabu ang nakumpiska sa bigtime drug pusher na nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. West Kilikili, Wao.


Kinilala ang suspek na si Busran Saripada, residente ng naturang bayan.


Ayon sa ulat, may nag-tip na bigtime drug pusher si Saripada kaya nagsagawa ng buy-bust operation dahilan kaya naaresto ang suspek.


Nabatid na hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa nasabing barangay.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.