Search
  • BULGAR

1 dedo, 4 tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | December 12, 2020



MAGUINDANAO—Isang bigtime drug pusher ang napatay at apat na kasamahan nito ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Semba, Datu Odin Sinsuat.


Ang napatay ay nakilalang si Angkino Mamalangkas, samantalang ang mga nadakip ay sina Saidemen Mutalib, Juhaimir Utto, Salipudin Maslamama at Edito dela Cruz, pawang residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, aarestuhin sana ng mga operatiba ang mga suspek sa drug-bust operation, pero bigla silang pinagbabaril ni Mamalangkas.


Kaagad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay si Mamalangkas na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, samantalang kusa namang sumuko ang apat pang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu, baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.