Mahal ko o mahal ako ang peg... Lalaking litung-lito, mas compatible sa babaeng may gusto sa kanya k
- Maestro Honorio Ong
- Jan 27, 2020
- 2 min read
Dear Maestro, May nililigawan akong babae na ang birthday ay August 10, 1993 na mukhang wala namang gusto sa akin dahil matagal na akong nanliligaw sa kanya, pero hindi pa rin niya ako sinasagot. May pinsan akong babae na may bestfriend at tawagin na lang natin siyang Ms. Taurus at sabi niya sa akin ay crush ako ni Ms. Taurus na may birthday na May 16, 1993, habang ang birthday ko naman ay September 2, 1992. Itatanong ko sana kung sino sa dalawang babaeng ito ang magiging girlfriend ko at ka-compatible ko na dapat kong maging kasintahan para maging masaya naman ako? Palagi kasi akong malungkot dahil wala akong girlfriend. Ngayong taon kayang ito, magkaka-girlfriend na ako at magiging masaya sa birthday ko?
Umaasa, Rommel ng Culis, Hermosa, Bataan
Dear Rommel, Tunay ngang kaya hindi ka sinasagot ng nililigawan mo na may birthday na August 10, 1993 ay dahil hindi kayo gaanong compatible sa Astrology, pero compatible kayo sa Numerology kung saan okey sa alright na magsama ang birth date niyang strong number na one (1) (dahil ang 10 ay 1+0=1) sa weak number na birth date mong two (2).
Oo, hindi kayo compatible ng nililigawan mo sapagkat ang Virgo na siyang zodiac sign mo at ang Leo na zodiac sign niya ay magkapitbahay na zodiac signs kung saan bagama’t compatible rin sana sila, pero konti lang, kaya kung kayo ay magiging magkasintahan, posibleng mauwi rin sa wala ang inyong relasyon.
Subalit, ang birth date mong 2 na weak number ay sadyang compatible rin sa birth date niyang 1 (ang 10 ay 1+0=1) na strong number. Ibig sabihin, bagama’t, gusto ka na niyang sagutin, ang totoong nangyayari sa isip at damdamin niya, siya ay maaaring nagdadalawang-isip pa.
Samantala, ang mas maganda nito ay ang katotohanang higit mong ka-compatible si Ms. Taurus na may birthday na May 16, 1993 dahil ang Taurus at Virgo ay kapwa nagtataglay ng elementong earth o lupa kung saan sa Western Astrology, sila ang tinatawag na “same feather flocks together”.
Ibig sabihin, compatible talaga kayo dahil ang Virgo at Taurus ay tugma sa isa’t isa, idagdag pang ang birth date niyang 16 o 7 (1+6=7) na weak number ay saktung-sakto rin sa birth date mong 2 na isa ring weak number, na sa pang-istatistikang batayan, maraming isinilang sa mga petsang 7, 16 at 25 ay nakakatuluyan silang mga isinilang sa mga petsang 2, 11, 20 at 29.
Sa madaling salita, upang magkaroon ka ng maligaya at panghabambuhay na pakikipagrelasyon, mas makabubuting mag-concentrate ka kay Ms. Taurus na may crush pala sa iyo dahil tulad ng naipaliwanag na, siya ang tunay na ka-compatible mo.
Ayon sa iyong Love Calendar, kung ibabaling mo kay Ms. Taurus ang pagsisikap, pagmamahal, pagpapahalaga at panahon, walang duda, ngayong 2020, sa buwan ng Mayo bago sumapit ang edad mong 28, magkaka-girlfriend ka na at habambuhay na magiging maligaya.




Comments