Muntik nang layasan ang Dos… Jessy, ibinulgar ang mga ginawa sa kanya ng direktor sa bagong serye

September 27, 2019

Ador Saluta / Adore Me!

 

 

Halos tatlong taon ding nabakante ang aktres na si Jessy Mendiola sa paggawa ng teleserye sa Kapamilya. Ito ‘yung mga panahong natsitsismis siyang lilipat na sa Kapuso Network at tumiwalag na raw sa Star Magic.

 

Pero pinabulaanan ng aktres ang nasabing paglipat sa ibang network.

 

Now, Jessy is back sa Kapamilya at kasama siya sa seryeng Sandugo. 

 

Sa unang pahayag ni Jessy, kaya raw siya tinamad sa pag-arte ay dahil feeling niya, ‘di naibibigay sa kanya ang role na kanyang gusto. This time sa Sandugo, medyo gray (kontrabida) ang kanyang role.

 

“Kaya po tinanggap ko ‘yung role kasi feeling ko, hindi ako nagkakaroon ng chance na patunayan ‘yung pag-arte ko (before), kasi hindi ako nabibigyan ng opportunity na magampanan ‘yung gusto kong role. Hopefully po, ‘yung magmamarka,” sey ni Jessy. 

 

Aminado rin ang aktres na nangangapa siya sa umpisa   ng kanilang Sandugo taping.

 

“Medyo nanibago ako, sa totoo lang, medyo hesitant akong mag-soap ulit kasi parang nawala na ‘yung nakasanayan mong nagteteyping ka palagi.

 

Tapos, marami kang nakakatrabaho, so medyo nanibago ako nu’ng first few taping days ko. 

 

“Ganunpaman, nagpapasalamat ako sa production  at kay Direk (Directors Ram Tolentino at Darnel Villaflor) na sobrang break-it-to-me gently na ginawa nila for me. Ang nangyari, nagdahan-dahan kami and I admit, nangangapa po ako nu’ng first taping pati nu’ng second day namin but they guided me.

 

Parang nanumbalik ‘yung passion ko sa pag-arte…” aniya.
Na-realize raw niya kung bakit tinamad siyang magtrabaho o gumawa ng serye. 

 

“I realized na it’s very important to give balance in your life, ‘pag may pagkakataon na feeling mo, hindi ka na nabibigyan ng... ‘yung hindi  ka nagkakaroon ng passion, ng excitement at basta na lang tumatanggap ng project para lang kumita, might as well na huwag na lang.”

 

Dahilan ng aktres, “Siyempre, you won’t be able to give your 100% , so it would be really unfair du’n sa mga katrabaho mo, sa mga bosses mo, sa productions na anu-ano (putchu-putcho) ka na lang kasi gusto mo lang kumita, gusto mo lang magtrabaho para sa pera.

 

Para sa akin po, at this point, I really feel that as long as the role excites me, as long as I have something to prove to myself, this time, gusto ko pong tumanggap ng maraming magkakaibang roles,” paliwanag ng aktres. 

 

“I’m very thankful na nabigyan muli ako ng show, I’m having fun with the character, and I promise this time, gagawin ko pong 200% ang effort ko,” pahabol niyang sagot.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.