THURMAN, INANUNSIYO SA HOMETOWN ANG PAGBABALIK SA RING VS. PACMAN
- Alvin Olivar/MC
- May 19, 2019
- 2 min read

ISANG exciting night ang natunghayan sa T&K Boxing Promotions’ Bombs Away 8 Boxing Card sa Hilton Downtown St. Pete, FL. Sa pagitan ng main event nina Raynard Hill vs Charles Whittaker.
Matapos ang laban ay umakyat ng stage si Keith Thurman upang ianunsiyo ang mega fight date kay Manny Pacquiao na opisyal na idaraos sa Hulyo 20, 2019 ng gabi at aniya ihahanda siya ng kanyang stablemates mula sa St. Pete Boxing Club para sa naturang bigating laban.
Bago pa ang main event, ipinakilala ni Will Montero ang elite boxers sa venue kabilang na sina newly inducted FL Hall of Famer Nate Campbell, dating Light Heavyweight World Champion Antonio Tarver, Boxing Hall of Famer at Unified light middleweight World Champion “Winky” Wright, kasunod ni current WBA Super Champion Keith Thurman.
Hindi pa rin naman niya matiyak kung ang laban ay isasagawa sa MGM Grand sa Las Vegas kontra Filipino Sensation and Senator, WBA Regular Champion Manny “Pacman” Pacquiao.
Naikuwento rin niya ang ‘humble beginnings’ niya bago pa umangat ang propesyon bilang isang propesyonal na mandirigma.
Niliwanag din niya na ang St. Petersburg, FL ang kanyang tahanan. Idinagdag pa ni Thurman na hindi niya makakalimutan ang hometown fans at ang pagmamahal sa kanya ng boxing community sa Tampa Bay Area.
Naikuwento rin niya ang pagkawala ng kanyang trainer at mentor Ben Getty, mga injuries na ininda niya at ang pagkawala niya sa ring ng halos 2 taon.
Nabanggit din niya ang pagkakaranas niya ng depresyon matapos ang huling laban kaya naman nabakante siya ng dalawang taon.
Marami ang na-excite sa anunsiyo niyang pagbabalik at ngayon ay kumpiyansa siyang mapanatili ang WBA title sa nalalapit niyang laban kontra Pacquiao.
Comentarios