Dehins mo na need piliting antukin, besh! DEVICE NA NAKAPAGPAPATULOG, PATOK!
- BULGAR

- Dec 10, 2018
- 1 min read

HINDI ka ba makapili sa sleeping pills at therapy? Don’t worry, beshy, dahil mayroon nang e-therapy na makatutulong sa iyo upang gumanda ang tulog mo.
Isang pag-aaral ang isinagawa hinggil sa online cognitive behavioral therapy (CBT) para sa chronic insomnia.
Sa pag-aaral, 118 katao na may chronic insomnia ang kalahok sa nasabing pag-aaral. Ang mga ito ay kasalukuyang nagte-therapy at sila ay ini-refer ng kanilang mga therapist.
Hinati sa dalawang grupo ang mga kalahok kung saan ang isang grupo ay nakatanggap ng online CBT treatment at ang ikalawang grupo naman ay nagpatuloy lamang ng regular na treatment sa kanilang mga therapist.
Ang dalawang treatment ay isinagawa sa loob ng limang linggo.
Ang grupo na mayroong online CBT ay nakatanggap ng audiovisual clips bilang main teaching component, MP3 files bilang relaxation training at PDF files para sa psychoeducation at cognitive therapy.
Upang makita ang resulta, binigyan ng journal ang bawat indibidwal ng magkabilang grupo para rito nila isulat kung ano ang nararamdaman nila sa bawat araw sa pamamagitan ng post-treatment questionnaire.
Lumabas sa resulta na 81 porsiyento ng mga kalahok ay nakaranas ng kaunting pagbabago sa kanilang pagtulog.
Maliban pa rito, 35 porsiyento ang nagsabi na malaking improvement ang kanilang naranasan tulad ng karagdagang isang oras na tulog pagkatapos ng treatment.
Maging ang mga researcher ay namangha umano sa resulta dahil hindi nila inaaasahan na maaari itong magkaroon ng positibong pagbabago kahit na walang tulong mula sa therapist.
Inirerekomenda ng mga eksperto ang online CBT dahil wala itong side-effects kumpara sa sleeping pills.
Kaya mga bro at sis, puwede nang iwasan ang pills dahil mayroon nang e-therapy na epektibo at nakatutulong talaga para sa atin.
Okie?





Comments