Xander Ford, ipinagsigawan ang pagiging bisexual
- BULGAR

- Jul 17, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 17, 2020

Muling gumawa ng ingay sa social media si Marlou Arizala aka Xander Ford matapos niyang ipagsigawang isa siyang bisexual.
Sa Instagram bio ni Xander, mababasang “21 Bisexual (rainbow emoji).”
Bukod sa post na “Being one of them is not a Crime. #bahaghari,” sunud-sunod din ang kanyang posts sa IG Stories.
Aniya, "I am part of LGBTQ #Bisexual" kasama ang rainbow.
Matatandaang naging kontrobersiyal kamakailan ang relasyon ni Xander sa isang babae matapos itong ireklamo ng diumano’y pamimilit sa pagtatalik. At parte ng IG Stories niya na isang video na may caption na “Bading daw ako?” aniya, “Hi, miss. Xander po pala, single. Puwede n’yo pong landii… ay, ‘di ko kaya! Nakakahiya! Ano ba ‘yan!? Eeewww!”
Kasunod nito, mababasa ang “Born Gay Follow the Ray. Born Straight Refuse to Hate.”





Comments