top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Welder, natagpuang patay sa ilog

BULGAR
Jul 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 5, 2022


NUEVA ECIJA—Isang welder ang natagpuang patay kamakalawa na nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. Santor, Bongabon.


Nakilala ang biktima na si Marvin Peralta, 28-anyos, nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa ilog sa nasabing lugar.


Kaagad ipinagbigay-alam ng mga residente sa pulisya ang pagkakatagpo nila sa bangkay ng biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung namatay ito sa lunod o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page