Warehouse, tinupok ng apoy
- BULGAR
- Jul 3, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 03, 2022
MAGUINDANAO—Isang warehouse ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Cotabato City.
Ang nasunog ay ang warehouse ng Ministry of Health sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa nasabing warehouse.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang sanhi ng sunog sa warehouse.



Comments